Florante at Laura: Unang Himagsik laban sa Maling Kaugalian/ Maling Pagpalalaki sa Anak
Ang Florante at Laura na isinulat ni Francisco Balagtas o mas kilala sa pangalang "Kiko" ay nagtataglay ng apat na himagsik. Ito ay Himagsik laban sa Malupit na Pamahalaan, Himagsik laban sa Hidwang Pananampalataya, Himagsik laban sa Maling Kaugalian/ Maling Pagpapalaki sa Anak, at Himagsik laban sa Mababang uri ng Panitikan. Ngayon ay susuriin ko ang ikatlong himagsik na napangalanang Himagsik Laban sa Maling Kaugalian o Maling Pagpapalaki sa Anak.
Ang Himagsik na ito ay nagtatalakay ng mga maling kaugalian na ginagawa ng mga karakter sa Florante at Laura. Nagtatalakay din ito ng mga bunga ng maling pagpapalaki sa anak. Isang halimbawa nito ay ang Kabanata 14 na pinamagatang Laki sa Layaw. Itinatalakay sa kabanatang ito ang pagpapalaki nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca sa anak nilang si Florante. Itinatalakay dito ang mga bunga ng maling pagpapalaki sa anak. Halimbawa nito ay ang Saknong 202.
Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad,
sa bait at muni't sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling pagiingap
habag ng magulang sa irog na anak
Itinatalakay sa saknong na ito ang bunga ng maling pagpapalaki sa anak. Sinasabi dito na ang sobrang pagmamahal sa anak ay bubunga rin sa kanyang maling pag-uugali.
Maiuugnay natin ang mga maling kaugalian na ito sa mga ginagawa ng mga Kastila sa kapwa nating mga Pilipino noon. Sinisimbolo ni Konde Adolfo ang kalupitan ng mga Kastila noong sinakop nila ang Pilipinas. Pinapakita sa Florante at Laura ang kanyang pagkamainggitin, pagkamataksil, at pagkamalupit. Ang mga ugaling ito ay tunay na sumisimbolo sa mga Kastila noon. Pinapakita ni Balagtas ang mga maling kaugalian na ito sa pamamagitan ng Florante at Laura para hindi natin makalimutan ang mga ginawa ng mga Kastila sa atin at sa ating bansa. Pinapaalala niya na ang mga sakripisyo ng ating mga bayani para tayo'y maging malaya. Dito nagtatapos ang aking pagsusuri. Salamat po sa pagbasa!
-Rod Justin D. Maligad
(8-Busay)
Wow.
ReplyDeleteGaling!
ReplyDeleteAng saknong ay magandang halimbawa ng paghihimagsik ni Balagtas laban sa maling pagpapalaki sa anak. ☺
ReplyDeleteWalang anuman.
ReplyDeleteNapakadetalyado.. magaling!!
ReplyDelete