Kritikal na Pagsusuri sa Florante at Laura: Himagsik laban sa Maling Kaugalian/ Maling Pagpapalaki sa Anak

Florante at Laura:
Himagsik laban sa Maling Kaugalian/ Maling Pagpapalaki sa Anak


        Ang Florante at Laura ay isang akda na isinulat ni Francisco Balagtas noong panahon pa lamang ng mga espanyol. Ang akdang ito ay nagtataglay ng apat na himagsik na ginamit niyang pangtutol sa mga ginawa ng mga espanyol sa kapwa nating mga Pilipino. Ang apat na himagsik na ito ay ang Himagsik laban sa Maling Pamamalakad ng Pamahalaas, Himagsik laban sa Hidwaang Pananampalataya, Himagsik laban sa Maling Kaugalian o Maling Pagpapalaki sa anak, at Himagsik laban sa Mababang Uri ng Panitikan. Ngayon ay susuriin ko ang Ikatlong himagsik: Himagsik laban sa Maling Kaugalian o Maling Pagpapalaki sa anak.

        Ayun sa aking mga binasa, ang himagsik na ito ay nangungutya ng mga  masasamang kaugalian at sobrang pagpapalayaw sa anak. Tinutukoy dito ang mga kasalanan at kamalian ng mga tao kagaya ng pagkamainggitin, pagkamataksil at pagiging mahiganti. Maihahambing mo ang mga ito sa kaugalian ng mga espanyol noon.

        Ang mga maling kaugaliang ito ay pinapakita sa Florante at Laura sa pamamagitan ng mga karakter. Ilang halimbawa nito ay sina Konde Adolfo at si Sultan Ali-Adab. Si Konde Adolfo ay nagpapakita ng ugaling mapaghiganti. Ipinakita sa Florante at Laura ang kanyang mga higanti kay Florante kagaya ng pagpapatay niya ng kanyang ama. Si Sultan Ali-Adab naman ay nagpapakita ng ugaling mainggitin. Ipinakita sa Florante at Laura ang pagkainggit niya sa pagmamahalan ng anak niya at ni Flerida. Sa dahilang ito, ipinakulong niya si Aladin at inutusang ipapatay habang inangkin niya si Flerida. Iilan lamang ang mga ito sa mga maling kaugalian na tinataglay ng Florante at Laura at meron pang iba.

        Ang Florante at Laura ay nagtataglay rin ng Himagsik sa Maling Pagpapalaki sa anak. Ang himagsik na ito ay nangungutya sa sobrang pagpapalayaw sa anak. Isang mabisang halimbawa sa himagsik na ito ay ang saknong 202:

Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad,
sa bait at muni't sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak.

Ang saknong na ito ay nagsasabi na ang sobrang pagmamahal sa anak na hindi na tinatama ang kanyang mga mali ay nag-aalis ng kanyang kabaitan.

        Ipinapakita ni Balagtas ang mga Himagsik na ito sa atin para hindi natin makalimutan ang mga ginawa ng mga espanyol sa ating mga Pilipino at sa ating bansa. Ang mga himagsik na ito ay pwedeng maihambing sa mga pangyayari sa ating bansa ngayon kaya dapat natin itong respetuhin at pahalagahan.

Sources:
  • https://www.slideshare.net/mobile/lovebordamonte/apat-na-himagsik-ni-francisco-balagtas
  • http://chonzskypedia.blogspot.com/2012/02/pagsusuri-sa-florante-at-laura.html?m=1
  • "Florante at Laura: Binagong Edisyon" book


Comments

Popular posts from this blog