Kritikal na Pagsusuri sa Florante at Laura: Himagsik laban sa Maling Kaugalian/ Maling Pagpapalaki sa Anak
Florante at Laura: Himagsik laban sa Maling Kaugalian/ Maling Pagpapalaki sa Anak Ang Florante at Laura ay isang akda na isinulat ni Francisco Balagtas noong panahon pa lamang ng mga espanyol. Ang akdang ito ay nagtataglay ng apat na himagsik na ginamit niyang pangtutol sa mga ginawa ng mga espanyol sa kapwa nating mga Pilipino. Ang apat na himagsik na ito ay ang Himagsik laban sa Maling Pamamalakad ng Pamahalaas, Himagsik laban sa Hidwaang Pananampalataya, Himagsik laban sa Maling Kaugalian o Maling Pagpapalaki sa anak, at Himagsik laban sa Mababang Uri ng Panitikan. Ngayon ay susuriin ko ang Ikatlong himagsik: Himagsik laban sa Maling Kaugalian o Maling Pagpapalaki sa anak. Ayun sa aking mga binasa, ang himagsik na ito ay nangungutya ng mga masasamang kaugalian at sobrang pagpapalayaw sa anak. Tinutukoy dito ang mga kasalanan at kamalian ng mga tao kagaya ng pagkamainggitin, pagkamataksil at pagiging mahiganti....